Ang paghahanap kay Lourd sa araw ng Linggo // Bookayukay – ang kapilya ng TNL gods

Minsan may kinauuwian din ang kaboplaksan kung naniniwala ka dun sa “for every action there’s an equal and opposite reaction” shit ni Einstein eh.

Nakita ko ito kahapon (August 20) matapos i-like ang facebook page ng Word of the Lourd:

Natuwa naman ako. Syet pagkakataon na magkaroon ng litrato with Ser Lourd, makakapagyabang ako sa facebook, at magkakaroon pa ako ng hanep niyang libro with personal message. Hardcore ito. Pupunta ako.

Ako: May book signing si Lourd bukas* sa Trinoma, 3 to 5pm, tara!

Jonver: Kitakits!

*Mukhang tanga lang talaga yung konsepto ko ng mga petsa.

Matapos mag-panic dahil wala akong makitang This is a Crazy Planets sa National Bookstore at Fully Booked, naging suhestyon naman ni Jonver na tignan namin sa Power Books. Tae, hindi pwedeng wala akong kopya nung libro, saan ako magpapa-autograph kay Ser Lourd, sa boobs sa noo?!

Ako: Ate, may kopya pa po ba kayo nung This is a Crazy Planets?

Ate sa Power Books: Ay wala na po Maam. May book signing po kasi si Lourd de Veyra kahapon sa National Bookstore.

Abente-uno na nga daw kase. Boplaks.

Pero dahil nangako ako sa sarili na hindi uuwi ng walang libro, nagpakaladkad naman ako kay Jonver sa SM North para mag-Book Sale. Akalain mong pagkatapos ng limang ikot, eto ang magiging tagpo:

Ate sa Information Center: Kung wala na po yung Book Sale sa dati nilang pwesto e baka po may pumalit na talaga.

Rakenrol.

Buti na lang, daig pa ni Jonver ang directory pagdating sa mga pwedeng puntahan.

Jonver: Tara, sa Bookayukay?

Ako: Ay nadinig ko na yan. Mukhang maganda nga dun.

Jonver: Ah, nabasa mo sa [insert blog site na nakalimutan ko ang pangalan here]?

Ako: Hindi. Sa Tunay Na Lalake blog* ko nalaman.

*Mukhang tanga lang talaga yung konsepto ko ng pagkokonek ng ideya

Binili ko yung Womenagerie at dalawang HG Wells; binili ni Jonver yung The Prince para sa kanya at yung isa pang HG Wells para sakin

Matapos ang mahigit isang oras na pag-amoy sa mga lumang libro, at pagpilit sakin ni Jonver na maging model ng mga libro sa kabila ng awkward poses ko, may lumapit sa aming manong na mukhang may hang ober.

Manong na mukhang may hang ober: [nakitang pinipiktyuran ako ni Jonver] uy, ipopost namin yan (picture) sa Tunay Na Lalake blog ha.

Jonver: Yeah! She’s a fan of tunay na lalake blog. And she’ll blog about this tonight.

Manong na mukhang may hang ober: Ayos! Kami yung nagme-maintain nung blog na yun.

Ako: [noon lang napagkone-konekta na kaya pamilyar ang bookayukay ay dahil pag-aari ito ng mga tao sa likod ng tunay na lalake blog] // [ang Manong na mukhang may hang ober na kausap niya sa oras na iyon ay ang tao sa likod ng tunay na lalake blog] // [lightbulb moment] // [napangiti at nag-fan girl mode] RAKENROL!!!

Syempre, TNL kodak moment na yan.

Manong na mukhang may hangober: Maghe-heart kami, mag pakyu sign ka

Tae, nalaglag yung panty yung kaluluwa ko sa kanila. More than one times ko yatang nasabi ang mga katagang “rakenrol” at “hardcore”. Napaka DTNL lang. Oh well.

I therefore conclude na kahit boplaks ka, at kahit ulanin ka man ng malas dahil sa naturang kaboplakasan, pwede pa ring umikot pabaliktad ang mundo dahil sa Einstein rule.

Salamat para sa epic na hapon, Jonver!

And with that, I leave you with this very insightful TNL manifesto:

Puntahan ang tunaynalalake.blogspot.com

PS,

Paki-bati nga pala si Jonver, bilang siya ay kabilang na sa lupon ng mga magigiting na rehistradong nars. Nawa’y mas lumusog ang Pilipinas dahil sa inyo! :)

Advertisements

About Pat

I'm still a student of life.
This entry was posted in "Pag nagka-pera ako" moments, Tunay na Buhay at iba pang shit and tagged , , , . Bookmark the permalink.

3 Responses to Ang paghahanap kay Lourd sa araw ng Linggo // Bookayukay – ang kapilya ng TNL gods

  1. fuckingrightdoggy...XD says:

    agree ako sa 5 wla akong abs eh hahaha..

  2. jonverdavid says:

    The conversation!!! It’s driving meh crazeh!!!! \m/

  3. Pingback: Bookay-ukay + TNL Moment | Where is Jonver??

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s